Isang lalaki ang patay pagkatapos na ito ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalalang mga lalaki sa bayan ng Aborlan, Palawan nitong Lunes lamang, January 21.
Kinilala ang biktima na si Ruben Bediores Goh, 51 years old residente ng Bgy. Poblacion, Aboralan.
Ayong sa report ng mga otoridad, dakong alas-5 ng hapon nang pauwi na ito sa kanila at nang tambangan ito ng dalawang suspek na agad naman na umalis sa lugar ng insidente.
Nag tamo ang biktima ng mga tama ng mga bala sa katawan na agad na ikinasawi nito.
Ayon sa salaysay ng mga saksi sa insidente, may napansin silang hindi kilalang mga lalaki na nakatambay sa isang tindahan dakong alas-tres ng hapon hindi kalayuan sa lugar ng insidente. At nung napansin nila na parating na ang biktima ay agad naman itong pinagbabaril at tumakas.
Base sa imbestigasyon ng Aborlan MPS, galing umano sa sabungan ang nasabing biktima at pauwi na ito nang mangyari ang insidente.
Samantala, hindi pa rin alam ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril at nagsagawa na ito ng follow-up investigation para sa posibleng pagkilanlan ng mga suspek.
Discussion about this post