Patay ang isang lalaki matapos na tagain ng kainuman nito sa Sitio Tagpas, Brgy. Latud, Rizal, Palawan ganap na 9:00 PM, November 6, 2021.
Kinilala ang biktima na si Jola Magbanua Repecio, 38 anyos, may asawa magsasaka habang ang suspek ay kinilala na si Renante Letada Basical, 44 anyos, magsasaka pawang residente sa Sitio Tagpas, Barangay Latud, Rizal, Palawan.
Ayon sa report ng Provincial Police Office, ganap na 5:30 PM ng magdesisyon matulog ang suspek dahil sa ito ay nakainum at 8:00 ng gabi ng kumatok ang biktima sa pintuan ng suspek na nakainum din at iniimbitahan nito na makipag inuman sa kanya, habang nag iinuman ang dalawa nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pananaga,
Nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang parte sa katawan ang biktima na ikinamatay nito.
Nahuli naman ang suspek pati ang ginamit nitong patalim na maharap sa kasong pagpatay.