Larawan sa kaliwa: ang biktima na si Erwin Guzman. larawan mula sa Bridagada News FM, Larawan sa kanan ang suspek na si Mayolo Colas. Larwang kuha ni Lexter Hangad ng Bridgada News Fm Narra Palawan.

Provincial News

Lalaki pinatay, pinutulan ng ari sa bayan ng Narra

By Sevedeo Borda III

July 04, 2019

Nakalutang na sa loob ng ginagawang septic tank ang katawan ng isang lalaki at putol na diumano ang ari nito ng ito ay matagpuan umaga ng July 3.

Ayon sa mga otoridad, nakilala ang biktima na si Erwin Guzman, 53, at nakatira sa Barangay Bato Bato sa bayan ng Narra.

Sa pahayag ng kapitan ng barangay na si Ernesto Ferrer, nakita ang bangkay ni Guzman sa septic tank na nasa likod lang diumano ng bahay ng mag-live in partner na ngayon ay tinuturing mga suspek.

Matinding selos ang naging ugat ng pagpatay kay Guzman. Ito ang inamin ng suspek na si Jay-ar Colas na nasa custidiya na ng mga otoridad matapos na ito ay nahuli sa pinagsanib puwersa ng Roxas at Narra Municipal Police Stations.

Tumulong din si Board Member Prince Demaala na umalok ng pabuya sa makapagturo ng suspek.