Police Report

Lalaking wanted sa Antique, arestado sa El Nido

By Jane Jauhali

May 30, 2022

Arestado ng El Nido Municipal Police Station si Romancito Francisco  Jauod, 30 anyos, magsasaka at residente ng Sitio Danat, Barangay Manlag, El Nido na nasa listahan ng most wanted ng Antique Provincial Police Office sa kasong murder.

Lalaking wanted sa Antique, arestado sa bayan ng El Nido nitong Mayo 29.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Mario G. Andres Jr. ng Regional Trial Court Branch 64, Bugasong, Antique sa kasong pagpatay.

Walang namang pyansa na inilaan ang korte para sa kaso ng suspek.