Lantsang M/L Bahagia, na-rescue nang masiraan ng makina (Larawang kuha ni Hartzel Buñag)

Provincial News

Lantsang M/L Bahagia, na-rescue nang masiraan ng makina

By James Villon

January 13, 2019

Isang lantsa ang na-rescue kaninang umaga pagkatapos na ito ay nagkaroon ng problema habang papalayag patungo sa Iloilo mula sa Cagayancillo, Palawan.

Mula sa Cagayancillo patungo sana sa Iloilo ang lantsa na may pangalang M/L Bahagia at may lulang anim na pasahero.

Alas 12:00 ng tanghali, araw ng Sabado, January 12, 2019 umano umalis ito sa pantalan ng Cagayancillo.

Lantsang M/L Bahagia, na-rescue nang masiraan ng makina (Larawang kuha ni Hartzel Buñag)

Tinatayang nasa dalawa’t kalahating oras na ang tinakbo ng biglang may umusok sa may parte ng makina nito. Dahilan sa hindi na gumana ang makina, umabot sa kalahating oras ang palutang-lutang hangga’t sa madaanan sila ng M/L Corazon na patungo rin sa nasabing lugar.

Hinila na lamang umano ito mula sa tinatayang nasa 8 milya ang layo mula sa Cagayancillo pabalik sa pinanggalingan. Nang malapit na sila sa Manokan Island, binitawan na sila dahil dumating din ang isa pang lantsa na nag-rescue sa kanila.

Ligtas namang nakabalik sa mga pamiya nila ang mga pasahero ng naturang sasakyang pandagat.