Ang suspek (kanan), Joel Vili, 21, sa pagpatay sa kasamahang lasing na naghamon sa kanya ng away. (Photo courtesy of El Nido Municipal Police Station / PCI Thirz Starky Timbancaya)

Police Report

Lasing, naghamon ng away; sinuntok ng natutulog na kasamahan, patay

By Sevedeo Borda III

December 18, 2018

Isang lasing na lalaki ang namatay pagkatapos na naghamon ng away at nagsuntukan sa natutulog na kasamahan sa loob ng kanilang barracks sa El Nido, Palawan, alas diyes ng gabi nitong Linggo, Disyembre 16.

Nakilala ang biktima na si Dennis Collado y Pasamonte, 38 taong gulang, walang asawa at nagtatrabaho bilang mason at karpentero ng isang construction company sa El Nido, Palawan.

Base sa inisyal na report ng El Nido Municipal Police Station, walong oras na umiinom ang biktima kasama ang kaniyang mga kabigan nang bigla daw umano itong pumasok sa loob ng kwarto na kung saan natutulog ang suspetsado.

Ang suspek ay kinilala na si Joel Villa y Vili, 21 taong gulang, walang asawa, at kasamahang nagtatrabaho ng biktima na taga Baragay Tagusao, Quezon, Palawan.

Nagkaroon ng komosyon ang dalawa sa loob ng kanilang barracks nang pinatulan ng suspetsado ang hamon ng biktima.

Sinuntok ni Villa ang biktima sa kaliwang pisngi at bigla itong nahulog sa wooden bridge.

Dali daling dinala sa 4K Medical and Surgical Clinic ang biktima subalit nadeklara ito ng doctor na dead on arrival.

Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang suspek at mahaharap sa kasong pagpatay o homicide.