Huli ang limang mangingisda matapos makitaan ng paglabag o paggamit ng illegal na pangingisda sa Kamantayan Reef Brgy. Nusa, Cagayancillo, Palawan ganap na 9:14 PM noong November 16, 2021.
Ayon sa report ng Provincial Police Office, nakatanggap ng tawag ang Bantay Dagat mula sa isang concernd citizen sa pangunguna ni Mun. Adminstrator Jotham Tapalla Sr., Head Bantay Dagat, kasama ang team leader na si Erico Magbanua at apat na tauhan nito.
Pinuntahan umano nila ang Kamantayan Reef at nakita ang isang bangka nagngangalang ARCA habang sakay nito ang limang mangingisda. Nilapitan ng Bantay Dagat ang mga ito at kanilang hinanapan ng kaukulang dokumento ngunit walang maipakita ang lima.
Nakita sa kanila ang nylon cord, hook at bait na pinagbabawal.
Ang mga naaresto ay kinilala na sina Jimmy Jaudines Serapion, 52, John Alfred Jaudines Dolalia, 29, Jermani Emiliano Agrabante, 56,
Armando Pagrad Mensate, 52, at Mario Pagrad Dolalia, 62.
Samantala, paglabag sa Municipal Ordinance No. 110-S-2020 o Banning of Transient Fisherman to Fish/Gather Aquatic Products in the Entire Territorial Waters of Cagayancillo ang kasong kakaharapin ng limang suspek.