Provincial News

Lockdown sa isang barangay sa Cuyo, Palawan malapit nang matapos

By Gilbert Basio

November 01, 2020

Inaasahang magtatapos sa susunod na linggo November 10, 2020 ang lockdown sa Barangay Cabigsing, Cuyo, Palawan, ayon sa binanggit ni Cuyo Mayor Mark L. Delos Reyes.

“Yung Barangay Cabigsing deretso pa hanggang November 10 ang lockdown,” saad ni Delos Reyes.

Aniya, maganda na ang sitwasyon sa bayan ng Cuyo kaugnay sa paglaban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang aktibong kaso.

“Medyo ok na po sitwasyon naming dito. Diretso lang din ang kooperasyon ng ating mga kababayan, sumunod lamang sa protocol para hindi na tayo magkaroon ng second wave sa bayan lalo na po tayo mahihirapan,” pahayag ni Delos Reyes.

Samantala, paalala ng alkade sa mga mamamayan na wag maging kampante at ugaliin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols.

“laging ugaliin na magsuot ng face mask, face shield, maghugas ng kamay at saka sundin lang po yung mga protocol na pinapatupad ng munisipyo at ng barangay,” dagdag pa ni Delos Reyes.