Higit sa 19,000 na residente kabilang na ang mga katutubong Palaw’an at Tau’t Bato ang napaglingkuran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng programang “All-in-One Bayanihan” katuwang ang Go Share Foundation noong Oktubre 12 hanggang 15, 2023, sa bayan ng Quezon at Rizal, Palawan.
Ang nasabing programa ay pinangunahan nina Brigadier General Erick Q. Escarcha PAF, Commander ng Tactical Operations Wing West (TOWWEST), at Lieutenant Colonel Isagani F. Quiming PAF (GSC), Commander ng Tactical Operations Group 7 (TOG 7) ng Philippine Air Force, kasama ang Go Share Foundation na pinamumunoan ni Mr. Noel Gonzalez at 18th Special Forces Company-Philippine Army sa ilalim ni Captain Jefferson B. Nobleza (INF) PA; at iba’t ibang local coordinators.
Nagkaruon ang mga mamamayan ng libreng konsultasyon medikal para sa mga bata, matatanda, at buntis kagaya ng konsultasyon at maging operasyon sa mata, tuli at iba pang minor operations. Isa rin sa serbisyo na inihandog nang nasabing programa ay konsultasyon sa ngipin at balat.
Bukod dito, natanggap ng mga mamamayan, partikular na ang mga katutubong Palaw’an at Tau’t Bato ang iba’t ibang donasyon tulad ng gamot, vitamins, water filters mula sa Waves for Water; delata at gatas mula sa Century Pacific Food Inc.-RSPo; damit, sapatos, at tsinelas mula sa Natasha at iba pang sponsors; at school supplies mula sa National Book Store Foundation Inc.
Sa mensahe ni BGen. Escarcha, nagpapasalamat siya sa lahat nang nagbayanihan para sa layuning maghatid ng tulong at serbisyong may malasakit at pagmamahal para sa kaunlaran, kapayapaan, at kalusugan. Kasama rin sa nagbigay tulong ang lokal na pamahalaan ng Quezon at Rizal at iba pang nasyonal at lokal na organisasyon.
Pasasalamat din mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon sa pamumuno ni Hon. Joselito O. Ayala at bayan ng Rizal sa pamumuno ni Hon. Norman S. Ong at ilan pang mamamayan at karatig-bayan sa pagtanggap ng tulong mula sa AFP-PAF, Go Share Foundation, at iba’t-ibang volunteer na organisasyon at indibidwal.
Sa patuloy na bayanihan ng mga sektor, kasama ang WESCOM, TOW-WEST, TOG 7, at iba pang kawani ng Philippine Air Force at AFP sa Palawan, nagbigay daan ang nasabing programa na makataguyod ng tulong at serbisyo para sa kaunlaran at kapayapaan ng komunidad.
Discussion about this post