Sugatan ang isang mangingisda na kinilala na si Rocky Calipay Catanduanes, 24 anyos, matapos barilin sa Purok Masikap, Sitio Nale, Barangay Panitian Quezon Palawan ganap na 5:30 ng hapon nitong Lunes, ika-6 ng Disyembre.
Ayon sa report ng Palawan Provincial Police Office, sakay ng motorsiklo ang biktima galing sa tahanan at papunta sa Brgy. Alfonso XIII nang barilin ng mga suspek na kinilalang sina alias Renren at Nonoy Ambao sakay sa top-down. Napag-alaman sa imbestigasyon na caliber 22 ang ginamit ng mga suspek sa pamamaril.
Nagtamo ng sugat sa kanang paa ang biktima na agad din nakatakas.
Samantala nagsagawa agad ng manhunt operation ang PNP at nadakip na ang mga suspek na maharap sa kaukulang kaso.