Provincial News

MBLT-3,nakiisa sa Bloodletting activity sa bayan ng Roxas

By Jane Jauhali

May 20, 2022

Nakiisa ang Marine Battalion Landing Team-3( MBLT-3)na pinangunahan ni Sgt. Lucio, Philipine Navy (Marines), sa isinagawang blood letting activity ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa MDRRMO Office Barangay II, ng nasabing bayan nitong nakalipas na ika-13 ng Mayo 2022.

Naging layunin ng bloodletting ay upang makatulong sa mga taong nangangailangan ng agarang dugo kasabay ng pagdiriwang ng 71st Founding Anniversary, 18th Panalaminan & 14th Casuy Festival at St. Isidore Labrador the Farmer Parish Fiesta sa bayan ng Roxas, Palawan.

Ipinamamalas din ng naturang aktibidad ang  pagkakaisa ng mga mamamayan kaagapay ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ,unipormadong hanay at ng mga pribadong sektor sa bayan ng Roxas, Palawan.

Ayon kay Sgt Lucio ng MBLT 3″ makakaasa kayo na ang MBLT 3 ay patuloy na makakatuwang sa mga ganitong uri ng aktibidad at walang sawang maglilingkod tungo sa kaunlaran at kapayapaan ng lalawigan ng Palawan”.