Na-rescue ng Coast Guard ang isang bangkang pangisda na nagngangalang MBCA Chloe Kim-Nana Mae matapos nasiraan ng makina sa bahagi ng Tambon Island, Coron Palawan.
Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang Coast Guard Station Coron (CGS Coron) noong ika-15 ng Mayo.
Napag-alaman sa imbestigasyon na papunta ang bangka sa Lualhati Wharf, Coron mula Linapacan upang maghatid ng mga Isda.
Agad na na-rescue at nasa maayos na lagay naman ang mga mangingisda at nakauwi din sa kanilang bayan.