Aerial shot of Coron town. // File Photo

Provincial News

Mga turista sa Coron na nagpositbo sa COVID-19, nakabalik na ng Maynila

By Angelene Low

March 25, 2021

Wala na sa Coron ang Apat na turistang nagpositibo sa COVID-19, nakabalik na ito ng Maynila via Air Ambulance ayon mismo kay Coron Municipal Health Officer (MHO) Dr Alan Guintapan.

Mula sa nasabing grupo ay naitala ang kauna-unahang local transmission case ng Coron.

“Mga taga-Quezon City ang ibang turista po na pumunta rito. Dumating po sila that was on 17 ng March tapos may dala silang RT-PCR negative. Legit naman po yung kanilang RT-PCR na results yun lang on the second day nung nag-stay sila sa Coron ay nagkaroon ng ubo ‘yung isa. ‘Yung resort management po [ang nag-report nito sa tanggapan ng MHO Coron].”

Kasalukuyan nang nak- quarantine ang mga nakasalamuha ng apat na turista na karamihan ay nagtra-trabaho sa resort na tinuluyan nila.

“Ngayon, ‘yung mga primary contacts ng turista, example ‘yung mga nagtatrabaho sa resort na nagkaroon ng interactions sa kanila [mga indibidwal na nagpositibo sa virus], ay pinull-out na rin namin tapos pina-swab test namin. And of the 10 na na-swab na primary contacts, 1 po ‘yung nag-positive.

Sa ngayon, 5 ang aktibong COVID-19 cases sa Coron, 4 ang imported case at 1 ay local transmission case.