Provincial News

Miyembro ng CTG, sumuko sa Occidental Mindoro police

By Jane Jauhali

February 10, 2022

Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa  Occidental Mindoro Police na kinilalang si Alias “Ka Talahib”, 37 anyos, residente ng Sitio Calachuchi, Barangay Alibog, San Jose, Occidental Mindoro,  noong Pebrero 8 ganap na 11:00 ng umaga.

Si Ka Talahib  ay aktibong miyembro ng  CTG (CPP/NPA) sa ilalim ng Kilusang Larangang Girelya MAV, Sub-Regional Military Area-4D, Southern Tagalog Regional Party Committee. Sumuko ito sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence Unit at kabilang ang  Occidental Mindoro Police Provincial Office (OccMin PPO), PNP SAF,  4th Infantry Battalion ng 23rd Brigade, Philippine Army, bitbit ang isang  caliber 38 at ammunition na isinuko sa awtoridad.

Nasa kustodiya na ng Camp Winston S Ebersole ang CTG. Sa kabuuan, mayroon ng 298 na sumukong miyembro ng CTG sa pamahalaan.