Provincial News

Motorsiklo at van, nagbanggaan sa Bayan ng Rizal

By Jane Jauhali

October 21, 2021

Kasalukuyan nagpapagaling na sa pagamutan ang sakay ng motorsiklo matapos na makabanggaan ang Toyota Hi-ace van ganap na 7:00PM Oktobre 18,2021

Kinilala ang driver ng van  na si Sherwin Caña Galicia, 25 anyos, binata, residente sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.

Habang kinilala naman ang driver ng motor na si Laurence Val Lampon Cudal, 34 anyos, binata , magsasaka, residente sa Barangay Iraan, Rizal, Palawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng van ang kahabaan ng north papuntang south na highway habang ang motorsiklo mula naman south. At dahil pakurbada ang daan ay pinasok ng motor ang kabila dahilan upang makasalubong ang van at tumama sa unahan nito.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang motorista na agad dinala sa pagamutan.

Samantala nasa pangangalaga naman ng Rizal MPS ang mga sasakyan para imbestigasyon.