Mutya ng Palawan 2018 Reyna Michell Ruhen (Middle). Photo by John Castor Viernes / PDN.

Provincial News

Mutya ng Palawan 2018, lubos ang pasasalamat

By Imee Austria

June 23, 2018

PUERTO PRINCESA CITY – Lubos ang kagalakan at pasasalamat ni Reyna Michell Ruhen ng bayan ng Aborlan matapos kinoronahan bilang Mutya ng Palawan ngayong taon.

Aniya, talagang naisabuhay na niya ang kanyang pangalan. Sinabi din nito na nasa kanyang plano ang pagsali ng Mutya ng Palawan 2018.

Naging 1st Runner Up naman ang taga-bayan ng Taytay na si Emerlyn Traballo, 2nd Runner Up ang taga-Cuyo na si Alexis Mae Igam Quilala, Eco Tourism ang pambato ng bayan ng San Vicente na si Ina Louise Abello, at Miss Tourism Kalayaan si Princess Jean Batalla.

Labing siyam na kandidata ang kinatawan sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan para sa Mutya ng Palawan 2018 sa pamamagitan ng sashing ceremony na ginanap noong ika-13 ng Hunyo sa Capitol Pavilion.

Ang Mutya ng Palawan ay bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Baragatan sa Palawan Festival 2018 bilang paggunita sa ika-116 anibersaryo ng pagkakatatag ng gobyerno-sibil ng Palawan.

Ang mga kandidata sa Mutya ng Palawan 2018 ay dumaan sa iba’t ibang mga aktibidad tulad ng paglahok sa Baragatan float parade, mall tours sa mga pangunahing mall sa lungsod ng Puerto Princesa, fashion show, mga patimpalak para sa kanilang swimsuit, long gown at festival costume, at talent competition.

Ang Grand Coronation Night ay ginanap kagabi ika-22 ng Hunyo sa Mendoza Park, lungsod Ng Puerto Princesa.