Kumpiskado ng mga awtoridad ang mga naglalakihang kahoy na planong ipuslit sa Brgy. Poblacion, Quezon, Palawan pasado 11:50 ng gabi ika-2 ng Agosto.
Habang nagsasagawa ng preventive patrol ang PNP, ay napadaan naman ang isang multicab na minamaneho ni Bernie Masucol, 27 anyos, kasama si Ronie Escovidal, 19 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.
Ayon sa PNP, walang maipakitang katibayan ang mga suspek na magpapatunay na dumaan sa legal na proseso ang kanilang mga dalang kahoy.
Kaya naman kinumpiska sa kanila ang mga kahoy na may habang 191 board feet, at nagkakahalaga ng ₱2,316.
Samantala, paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Illegal Logging ang kakaharapin ng dalawa at nasa kustudiya na ng PNP ang mga ito maging ang mga nakumpiskang kahoy para sa tamang disposisyon.