ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Negosyanteng Vietnamese national at kanyang pamilya, tinambangan sa Bayan ng Narra

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
August 5, 2020
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Negosyanteng Vietnamese national at kanyang pamilya, tinambangan sa Bayan ng Narra
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Pinaulanan ng mga bala ng baril ang sasakyan ng negosyanteng Vietnamese national, kasama ang kanyang mag-ina, dakong 9 pm kahapon sa Sitio Palo-palo, Brgy. Burirao, Narra, Palawan.

Kinilala ang mga biktima na sina Sonny San Le, 44 taong gulang, may asawa at lobster buyer; Cherry Villar Chorima, 35, lobster buyer at ka-live-in partner ng nasabing Vietnamese national, ang kanilang anak na babae na apat na taong gulang na pawang mga residente ng Sitio Palo-palo, Brgy. Burirao, Narra at ang kanilang drayber na si Bryan Catantan Villarin, 21 anyos, binata, at residente ng Brgy. Culaba, Villaran, Leyte at pansamantalang naninirahan sa Sitio Palo-palo, Brgy. Burirao ng nasabing munisipyo habang ang mga suspek ay hindi pa nakikilala.

RelatedPosts

Palawan honors disaster response partners during resilience month culmination

Healthcare reaches one of Palawan’s most remote island towns

Marcos inaugurates Palawan’s largest irrigation project, marking new milestone for farmers in Aborlan

​Sa spot report na ibinahagi ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 9:10 pm kahapon ay tumawag sa COP hotline ng Narra MPS ang isa sa mga biktima na si Chorima at iniulat ang insidente at humingi ng police assistance na agad naman umanong tinugunan ng pulisya upang makumpirma ang report at magsagawa ng kaukulang imbestigasyon.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, pauwi na sila sakay ng kanilang Toyota Surf Pick-up na may plate number XDR 736 at nang makarating sila sa bahagi ng sementeryo sa Brgy. Burirao ay hinarang  ng dalawang suspek ang kanilang daraanan at pinaulanan sila ng bala ng baril ng ilang beses.

Nagtamo ng tama ng baril ang biktimang si Sonny Le sa kanyang ulo at kaliwang bahagi ng kanyang tiyan na sa kabutihang-palad ay mga daplis lamang at fructured sa kanyang kamay habang ang kanilang drayber ay nagtamo ng sugat sa kanyang panga habang maswerte namang hindi nasaktan ang mag-ina ng foreign national.

Batay pa sa impormasyon mula sa Provincial PNP, dahil sa tama ng drayber ay naihinto niya ang sasakyan habang ang biktimang si Sonny Le, kasama ang kanyang kinakasama at ang kanilang anak  ay nagawang makalayo sa mga nanambang. Madalian din umanong tumakas ang mga suspek mula sa pinangyarihan ng insidente matapos ang pamamaril.

Agad namang isinugod sa Narra Municipal Hospital ang mga sugatang biktima upang ipagamot at kagabi rin ay inilipat sa Ospital ng Palawan sa Lungsod ng Puerto Princesa City ang Vietnamese national.

Ayon pa sa pulisya, ipinabatid ng biktimang si Sonny Le na bago ang pananambang ay nakatanggap na siya ng ilang death threat kaugnay sa kanyang negosyo.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Narra MPS ukol sa pamamaril sa nasabing mga biktima na isa sa tinitingnang anggulo ngayon ay ukol sa negosyo.

Tags: Vietnamese Ambushed
Share248Tweet155
ADVERTISEMENT
Previous Post

Magsasaka, arestado sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng baretang ginto

Next Post

Smart Telecommunications, magtatayo ng karagdagang cell sites sa Narra

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Palawan honors disaster response partners during resilience month culmination
Provincial News

Palawan honors disaster response partners during resilience month culmination

August 1, 2026
Healthcare reaches one of Palawan’s most remote island towns
Provincial News

Healthcare reaches one of Palawan’s most remote island towns

August 1, 2026
Marcos inaugurates Palawan’s largest irrigation project, marking new milestone for farmers in Aborlan
Provincial News

Marcos inaugurates Palawan’s largest irrigation project, marking new milestone for farmers in Aborlan

July 29, 2026
CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day
Environment

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

July 3, 2026
CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening
Provincial News

CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

June 18, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers
Energy

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
Next Post
Smart Telecommunications, magtatayo ng karagdagang cell sites sa Narra

Smart Telecommunications, magtatayo ng karagdagang cell sites sa Narra

Biyahe ng mga eroplano sa Puerto Princesa, itinigil hanggang Agosto 18

Biyahe ng mga eroplano sa Puerto Princesa, itinigil hanggang Agosto 18

Discussion about this post

Latest News

RTN rolls out new livelihood support and agricultural gear for Indigenous farmers and fisherfolk in Bataraza

RTN rolls out new livelihood support and agricultural gear for Indigenous farmers and fisherfolk in Bataraza

August 13, 2026
Robotics and 3D printers handed over to Bataraza High School to boost STEM education

Robotics and 3D printers handed over to Bataraza High School to boost STEM education

August 13, 2026
DENR-EMB, nagsagawa ng public hearing sa Brooke’s Point kaugnay sa kahilingan ng Ipilan Nickel na taasan ang taunang produksyon nito ng nickel ore

DENR-EMB, nagsagawa ng public hearing sa Brooke’s Point kaugnay sa kahilingan ng Ipilan Nickel na taasan ang taunang produksyon nito ng nickel ore

August 9, 2026
BSKE sa 2026, posibleng maudlot sa panukala ni Escudero

BSKE sa 2026, posibleng maudlot sa panukala ni Escudero

August 9, 2026
Alvarez urges public not to fear Pax Silica project

Alvarez urges public not to fear Pax Silica project

August 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15279 shares
    Share 6112 Tweet 3820
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11781 shares
    Share 4712 Tweet 2945
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10304 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10205 shares
    Share 4082 Tweet 2551
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9759 shares
    Share 3903 Tweet 2440
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us