Negosyo ang nakikitang dahilan ng mga awtoridad, kaya labas-masok umano ang asawa ng isang konsehal na kamakailan ay idineklarang positibo sa sakit na COVID-19 sa Bayan ng Brooke’s Point ayon kay Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jerry Alili.
“May mga balita, dahil ang ating nakuhang information dahil sa negosyo ay pabalik-balik sila sa Malaysia, so ang problema lang po our time na matugunan na ito na magkaroon na ng record ng lumalabas at pumapasok sa ating bansa lalo na sa border natin sa south, dahil nga ngayon ay may monitoring na tayo ng mga arrival so its hard time para sa Bureau of Immigration na mag-trabaho dito at i-monitor ang lahat ng mga pumapasok at lumalabas sa ating bansa.”
Dagdag pa ni Alili, isa sa mga pinoproblema nila ay dahil aktibo pa rin umano sa ngayon ang pakikipag-kalakal sa mga galing ng ibang bansa sa mga borders ng lalawigan partikular na sa bayan ng Balabac kung saan labas-masok ang nag-positibo mula sa COVID-19.
“Mayroon tayong active na trade na on-going, lahat ng mga kababayan natin sa south ay yung kanila pong commodities ay mas madali nilang makuha sa kabila kaya despite of that kailangan parin natin sundin yung mga batas na pinapairal sa ating bansa na may kinalaman dito sa trading with outside ng ating borders.”
Samantala mas papaigtingin pa umano ng PDRRMO ang paghihigpit sa mga borders ng lalawigan katuwang ang mga LGU at nagsasagawa na sila umano ngayon ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng nag positibong ROF mula sa Brooke’s Point.