Provincial News

Oil tanker ng Petron, tumaob sa San Vicente

By Diana Ross Medrina Cetenta

August 31, 2020

Isang oil tanker ang tumaob matapos na mag-self crash sa Bayan ng San Vicente kamakailan.

Sa impormasyong ibinabahagi ng San Vicente Municipal Police Station (MPS), nakasaad na naganap ang aksidente dakong 7:40 am noong Biyernes, Agosto 28, 2020 sa Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan.

Sakay ng tanker ang drayber na si Feliciano Batal Manonag, 33, binata, residente ng Brgy. San Pedro Puerto Princesa City at helper na si Jefril Aborot.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo sa Brgy. Port Barton proper ang tanker nang nawalan ng  kontrol ang dahil sa nag-stuck ang brake nito at nang i-apply ng drayber ang brake ay nagresulta sa pagkakahulog nila sa malalim na kanal habang nabuhos  at nagkalat naman sa kalsada ang dala nilang mga gasolina at diesel dahil sa impact sa pagbagsak nila sa lupa.

Dahil sa aksidente, parehong nagtamo ng sugat ang driver at ang kanyang helper. Na-damage rin maging ang fuel tanker.