Provincial News

Oplan Byaheng Ayos, inilunsad ng DOTr

By Jane Jauhali

April 11, 2022

Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Oplan Byaheng Ayos kahapon Abril 10 hanggang Abril 18, 2022 na magiging katuwang ang Coast Guard District Palawan, Coast Guard Axillary District Palawan, Philippines Port Authority at Maritime Industry Authority.

Layunin nito ang mapangalagaan at ligtas na byahe ng mga pasahero na uuwi sa Cuyo at Agutaya kaugnay sa pagdiriwang sa Semana Santa

Ayon kay Coast Guard Commodore Rommel Supangan, batay ito sa kautusan na ibinaba ng Department of Transportation na paigtingin ang pagbabantay sa mamamayan.

“Ang Oplan Byaheng 2022 ugnayan base sa ibinaba na kautusan ng DOTr ugnayan sa PPA, Marina na paigtingin ang serbisyo sa publiko sa sea-riding public na uuwi sa kanilang pamilya na mabigyan sila ng maayos, ligtas at komportable na pagbibyahe mula sa lungsod na kanilang aalisan at babaan,” ani Supangan.

Hindi inaasahan na dadagsain ang sea port ngayon ng mga pasahero na uuwi kung saan tatlong barko ang naka-schedule sa araw ng Lunes, dalawang barko ang aalis ang barko ng Montenegro at Milagrosa habang sa araw ng Huerbes ay ang 2Go.

Nakahanda na rin ang Malasakit Health Center na inilunsad ng Coast Guard District Palawan, Coast Guard Auxillary District Palawan, Marina at Philipine Port Authority upang agad na maagapan ang nangangailangan tulong na pasahero.

Dagdag pa ni Commodore Supangan, ang Oplan Byaheng Ayos 2022 ay magtatagal ng Abril 22 pero dahil malapit na ang bakasyon ay ipagpapatuloy nila ang pinaigting na pagbabantay sa mamamayan hanggang buwan ng Mayo.

“Mandato na ng bawat ahensya na magsama-sama, iisang layunin para sa pagsisilbi ng ating mga kababayan sa maayos at ligtas na uuwi sa kanilang bayan kaya naman extend natin itong pagbabantay sa ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Samantala ang Marina, PPA maging ang CGD-Palawan at CG Auxiliary ay 24/7 na magbabantay sa mga byahero upang masiguro na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kanilang mga lugar.