Police Report

Padre de pamilya na suspek sa pagpatay sa mag-ina nito, kinasuahan na

By Jane Jauhali

January 06, 2022

Nakakulong na ngayon sa piitan ng Brooke’s Point Municipal Police Station ang padre de pamilya na si Arnel Abit, 18, na siyang suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina at kinasuahan na ng awtoridad ng double parricide.

Matatandaan ganap na 1:30 AM  nitong January 2, 2022, nang maganap ang krimen sa Sitio Upper Bubog, Barangay Amas, Brooke’s Point, Palawan, at natagpuan ang 4 buwan na batang lalaking patay at 17 anyos na ina na wala ng saplot sa katawan at putol pa ang kamay.

Napag-alaman din na ang ginamit na itak sa pananaga ay pag-aari din ng suspek na may haba ng 12 inches.