Provincial News

Pagbabalik ng liquor ban sa Palawan iminimungkahi ni BM Rodriguez

By Evo Joel Contrivida

September 16, 2020

Iminumungkahi ni Second District Board Member Modesto Jay Rodriguez na ibalik na ang liquor ban sa buong Palawan para mapanatili umano ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Palaweno. Ang mungkahing ito ay buhat sa ipinakitang magandang epekto ng pagbabawal ng alak sa mga residente ng Brooke’s Point.

Aniya, masusi niyang pinag aaralan bilang chairman ng Komite ng kalusugan sa Sangguniang Panlalawigan ang magpasa ng isang resolusyon, na tuluyan nang ipatupad sa boung lalawigan ang pagbabalik ng pagbawal ng pagbili o pag-inom ng alak, upang mapangalagaan ang kalusugan ng marami.

“Reduction of alcohol content by imposing liquor ban, alam mo ito during pandemic sa Brookes Point, according to Mayor Feliciano malaking bagay na impose yung liquor ban, una na wala ‘yung gulo, nag reduce talaga ‘yung mga problema nila sa disgrasya, away mag asawa, yung gastos, so malaki talagang bagay, plus nakita talaga yung kabutihan sa kanilang pangangatawan, so maaring pwedeng i-rebisa uli ‘yan, maaring pwedeng i-impose uli, we hope and pray na maging bukas ang puso’t isipan ng ating mga kababayan kung may ganung panukala para sa pangkalusugan,” Ani Rodriguez

Sa panayam ng Palawan Daily kay Rodriguez, sinabi niyang hindi basta-basta ang pagpasa ng panukalang batas lalo pa’t maraming maapektuhan sakaling ihain nya na sa Sangunian ang kanyang plano, unti-unti muna sa ngayon mula sa pag regulate hanggang sa tuluyan na itong ipagbawal. Wala pa rin siyang hawak na datos samantalang patuloy ang kanyang koordinasyong isinasagawa.

“Sa ngayon makikipag coordinate tayo lalo na sa Brookes Point dahil isa ‘yan sa mga tinitingnan natin ‘yung pakikipag ugnayan natin sa LGU ng Brookes Point, kasi positively nung nag iikot ikot kami sa mga barangay nung tinatanung ni Mayor Jean na, ano sa tingin nyo ipagbawal na ‘yung pag iinom, karamihan ng sumang ayon ‘yung mga asawa, kasi nakita nila problema nila na pag sobrang lasing ng asawa nila minsan hindi na bumabangon dun na lang nakahandusay mga ganun, malaking bagay din,”

Naniniwala si Rodriguez na maganda ang kanyang hangarin sakaling maisabatas sa Palawan ang panukala, ang magandang epekto anya sa Brookes Point ay malamang ganoon din sa iba pang munisipyo hindi lamang sa sur ng lalawigan, kundi maging sa mga nasa norte at mga islang bayan.

“Tingin ko hindi lang Brookes point kundi halos lahat ‘yun naman ang isyu, kaya nakikita mo ang response kung sa Brookes Point gano’n kaya halos lahat ng barangay nakikita natin ang response ng mga kababaihan, yan sige ipagbawal, ibig sabihan malaking apekto yun sa kasiraan ng kalusugan, ng buhay, ng relasyon ng bawat tahanan,” Saad pa ni Rodriguez.