Provincial News

Palawan Police: Pagdiwang ng Semana Santa, naging mapayapa

By Jane Jauhali

April 18, 2022

Naging matagumpay ang pagbabantay sa lalawigan ng Palawan ng Palawan Provincial Police Office nitong nagdaan na Semana Santa lalo na sa mga lugar na may maraming turista at simbahan.

Sa pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Adonis B. Guzman, pinatupad nito ang full force deployment ng PNP. Nagsagawa din ito ng security situation upang masiguro na ligtas ang mga mamamayan sa mga pampublikong lugar.

Nagtalaga ng 26 na police assistance desks (PADs) sa buong lalawigan para sa mga nangangailangan ng tulong.

“The challenges encountered; one, is the influx of tourists after the borders were opened, second, is the strict adherence of the general public to the new normal, it was, nonetheless, a constant reminder to us all, and still a peaceful province was experienced during the holy week after full deployment of personnel,” ani Police Captain Ric Ramos.

Sa tulong ng mga kapulisan sa paghihigpit sa pagbabantay sa siguridad ay napanatili ng mga ito ang peace and order sa buong lalawigan ng Palawan.