Provincial News

PTF-ELCAC, kinondena ang gawain ng NPA

By Gilbert Basio

November 30, 2020

Kinondena ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang inilabas na pahayag ng Bienvenido Vallever Command kaugnay sa kamatayan ng Municipal Planning and Development Officer ng Rizal, Palawan na si Engr. Gregorio Baluyot.

Sa inilabas na pahayag ng PTF-ELCAC, nag dulot lamang ito ng karagdagang hinagpis sa mga naiwang pamilya, kaibigan, at mga kaanak na patuloy ang pagsigaw ng hustisya.

Paraan din umano ito ng NPA upang mapaniwala ang mga mamamayan ng Palawan na malakas pa ang kanilang kilusan sa kabila na mahina na sila dahil sa marami na ang nagbalik-loob sa pamahalaan mula sa kanilang hanay sa kabundukan.

Tinawag ding inutil na propaganda lamang ang kanilang muling pagpaparamdam dahil naalarma na umano ang NPA sa sunod-sunod na pagsuko ng marami sa kanilang mga kasamaha.

Nilinaw ng PTF-ELCAC na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Engr. Baluyot, at kung sinuman ang may sala ay mananagot umano sa batas.

Samantala, ipinaaabot naman ng Palawan Provincial Task Force ELCAC na ang pahayag ng NPA ay isang propaganda lamang at walang basehan habang ang kanilang mga alegasyon kay Engr. Baluyot na base sa sumbong ng mamamayan ay matagal na nilang kasinungalingan dahil ang mamamayan mismo ng Palawan ang tutol sa kanilang karahasan.