Nanindigan ang Palawan Provincial Police Office na wala silang kakatigan sa buong panahon ng pagsasagawa ng plebisito at maging sa araw mismo ng botohan sa Marso 13 kaugnay sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya.
“The PNP and the AFP will always stand by our mandates to be a neutral organization, neutral agency. We don’t take sides kung sino man yung proponent [at kung] sino man yung against. Again sabi ko, nga we are in a democratic country, we can say what we want. Based on the constitution lang naman tayo. Its okay ganun lang naman talaga ang proceso ng plebisito natin.” pahayag ni Police Colonel Frederick Obar, Director ng Provincial Police Office.
Aminado rin si Col. Obar na may mga maiinit na talakayan at paniniwala kaugnay dito pero napapansin nila na ginagawa ito sa mapayapang paraan, kaya wala silang maituturing na area of concern o lugar na dapat tutukan sa panahon ng plebisito.
“Napaka-peaceful dito and there are activities na campaigns and this is just part of a democratic process. Hindi naman natin to pinapabayaan. But again everything that has been said and done this are all part of democratic process. Magtalunan sila magkaroon sila ng debate its all part of a democratic system,”
“Number 1 this is a democratic exercise so wag natin sayangin itong democratic exercise na ito because in every exercise there will always be a benefit for this province so its time for the people to voice out their choices and nobody will be hindering them to air their choices via their votes,”
Pinayuhan naman ng opisyal ang magkabilaang panig na maging mahinahon at i-respeto ang paniniwala ng isa’t isa upang hindi ito pagmulan ng anumang kaguluhan. Dahil ang hanay umano ng PNP ay gagawin lamang ang kanilang tungkulin na panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa Palawan.
“The general public should maintain its peace, because peace will always start on the individual person. Hindi yan manggagaling sa PNP. It will always start from an individual person. Kinakailangan namin ng kanilang pagiging mahinahon. Maraming situations [at] maraming problema ang nadi-diffuse pag mahinahon ang isang tao so sa mga religious groups, cause oriented organizations, sa ating political groups ang pagiging mahinahon yan yung magiging susi. Kasi at the end of the day we are all working and will be working for the peace, progress and security of Palawan.”