Patuloy ang imbestigasyon ng Bataraza Municipal Police Station sa naganap na pamamaril ganap na 8:20 kaninang umaga ika-18 ng Mayo.
Ang biktima kinilalang si Poldo Ladiam Kirao, 68 anyos, residente sa Sitio Bato-Bato, Barangay Culandanum, Bataraza, Palawan.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, naka-angkas ang biktima sa motorsiklo ni Hadting Anggan Ilajan galing sa Barangay Tarusan, Bataraza papunta sa Barangay Riotuba.
Pagdating sa Bicol Village, Barangay Sandoval, ay nakarinig ng putok ng baril si Ilagan at napansin nito na nawalan na siya ng kontrol sa pagmamaneho habang angkas ang biktima na unti-unti nang nahuhulog sa motor, at nakita nito na may tama ng baril ang si Kirao.
Sa ngayon hindi pa matukoy ng pulisya kung ilan ang suspek sa pamamaril at hindi rin napansin ni Ilagan ang pagkakakilanlan ng bumaril sa kanyang kasama.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang sa ikadarakip sa suspek o mga suspek sa insedente.