Wala ng buhay nang matagpuan ng mga residente ang isang dolphin kahapon, Desyembre 16, sa dalampasigan ng Sitio Capari, Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.
Ayon sa post ng Department of Environment and Natural Resources -Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO), isa itong botlednose dolphin (Tursiops truncatus), may haba na 2.12 metro at tinatayang nasa 150 kilo.
Lumalabas naman sa pagsusuri ng DENR, na walang nakitang sugat sa katawan ng dolphin maliban na lamang sa flipper teat, bahagyang namamaga ang katawan, naka-usli ang ari at tuklap ang balat.
Samantala matapos suriin ay agad namang pinagtulungan ng mga residente sa lugar na mailibing ito.