Naglagay ng karagdagang boya sa Kalayaan Group of Island na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) kamakailan ang Philippine Coast Guard (PCG).
Sakop din nito ang Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island, at Julian Felipe Reef.
Ayon kay PCG Maritime Safety Services Commander CG Vice Admiral Joseph Coyme, ang mga dinagdag na boya ay magsisilbing gabay ng mga Pilipinong mangingisda at malalaking barko na naglalayag sa WPS.
Aniya, hindi lang ito palatandaan kundi maituturing din itong “sovereign markers” sa mga lugar na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Discussion about this post