Provincial News

PCSD, namahagi ng mga kahoy para sa mga nasalanta ng Odette sa Roxas

By Jane Jauhali

February 24, 2022

Dahil sa pinsala na dala ng nagdaang bagyong Odette noong Disyembre 2021, marami ang labis na naapektuhan at nawalan ng tahanan kung kaya’t marami din sa kanila ang nangangailangan ng mga materyales sa pagpapaayos ng mga nasirang kabahayan.

Kaya naman ang PCSDS Enforcement Land Base Team ay nakiisa sa DENR-CENRO upang magsagawa ng monitoring at inventory sa mga natumbang puno at pinatistis ang mga ito upang ipamahagi sa ilang pamilya na nawalan ng tirahan sa Barangay Abaroan, Roxas Palawan.

Ayon sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), 2,600 board feet ng lumber ang kanilang naihatid sa barangay hall ng Abaroan at muli itong nadagdagan ng 846.6.

Layunin ng organisasyon na maipamahagi ang mga kahoy sa mga apektado ng bagyong Odette na nawalan ng tahanan upang makakapagsimula na ulit mamuhay.