PDRRMO Head Jerry Alili

Provincial News

PDRRMO, planong magsagawa ng pagsasanay sa bawat barangay sa Palawan

By Lexter Hangad

March 20, 2021

Pinaplano ngayon ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na magkaroon ng pagsasanay sa mga residente ng bawat barangay sa lalawigan ng Palawan patungkol sa kahandaan tuwing may sakuna.

“Basically yung mga responders natin ay nandoon sa barangay level. That’s why ongoing po yung aming recruitment ng mga volunteers sa mga barangay kung saan we are  planning to organize and train at least 14 new members ng volunteer group sa bawat barangay na siyang tuturuan namin in disaster reporting, in disaster assessment and yung basic ng disaster response.” pahayag ni PDRRMO head Jerry Alili.

Dagdag pa ni Alili, target nilang mabigyan ng kasanayan ang mga wala pang katungkulan sa barangay.

“And we discourage yung may mga hinahawakan na katungkulan [Brgy. Officials] kasi sila ay automatic na like yung mga barangay tanod, BHW. Pero ito yung hinahanap natin ay yung wala pang katungkulan pero willing na tumulong kapag kailangan.”

Samantala, hanggang sa ngayon umano ay patuloy parin ang kanilang isinasagawang recruitment sa mga nais mag-volunteer.

“Ongoing po yung aming recruitment sa mga barangay. Mag-signify lang po sa kanilang mga punong barangay and as much as possible ay able at nandoon talaga sa barangay, willing to serve at hanggat maaari yung mga bagong mukha ng volunteers sa barangay. “ panawagan ni PDRRMO head Jerry Alili