National News

Philippine Coast Guard naglagay ng mga boya o palutang sa apat na isla ng West Philipine Sea

By Jane Jauhali

May 18, 2022

Iniulat ng Philippine Coast Guard ngayong ika-18 ng Mayo, 2022, na matagumpay nilang nailatag ang limang navigational buoy na mula pa sa bansang Espanya na nilagyan ng simbolo ng watawat ng Pilipinas. Ang mga boya o palutang ay pawang may taas na 30 talampakan sa apat na isla sa West Philippine Sea na kinabibilangan ng Lawak Island, Likas Island, Parola Island, at Pag-asa Island.

Nagpahayag ng kagalakan dahil sa matagumpay ng pagsagawa ng aktibidad si Philippine Coast Guard Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu. Si CG Abu ang nanguna sa aktibidad na kung saan limang  limang Coast Guard vessels ang tumungo sa vicinity waters noong Mayo 12 hanggang 14.

“I know it was not an easy task, but the support of Task Force Kaligtasan sa Karagatan headed by CG Rear Admiral Joseph Coyme, Coast Guard Fleet Commander, CG Rear Admiral Charlie Rances, and PCG District Palawan Commander, CG Commodore Rommel Supangan as Ground Commander led to the resounding success of installing our sovereign markers that are now flashing lights at night to guide sailors as they traverse the treacherous waters of the WPS,” saad pa ni CG Admiral Abu.

Dagdag pa nito, magiging simbolo o marka sa dagat ang mga boya o palutang para sa agarang komunikasyon lalo na sa bisinidad ng Philippine waters Protected Zones. Ilan sa mga mababantayan ay  ang pagmimina at oil exploration na mahigpit na ipinagbabawal  upang patuloy mapangalagaan ang natural resources ng bansa.

Sa pagbisita ng naturang pinuno sa Pagasa Island ay kanyang napansin ang ilan sa mga  Pilipinong mangingisda na malapit lamang sa kinaroroonan ng Vietnamese fishing boats, Chinese fishing vessels, at China Coast Guard vessels.

Batay naman sa Coast Guard Fleet, mapayapa ang WPS at nagpapakita ng respeto ang mga barko ng Vietnam at China sa isinagawang  misyon ng Pilipinas.

Aasahan naman na marami pang navigational buoys ang mailalagay sa exclusive economic zone (EEZ), lalo na sa  WPS at Benham Rise.