Paiigtingin umano ng Western Command ang paghahanap at paghihikayat upang sumuko na ang mga natitirang kasapi pa ng Kilusang Larangan Guerilla ng CPP–NPA sa lalawigan ng Palawan.
“Sa ating mga security forces, ay patuloy po paiigtingin yung focus military and security operation ng ating Western Command through Joint Task Force Peacock. Upang sa ganun po ay matuldukan na talaga, mahuli na yung dalawang leader na nagtatago po ngayon eh, yung dalawang leader na natitira ng Kilusang Larangan Guerilla ng Palawan at saka kakaunti na lang po sila. Hopefully po by 2021 talaga o bago magtapos ang taon sana po ay matuldukan na [at] mahuli na yung mga leader na ito.” Ayon kay Colonel Stephen Penetrante, tagapagsalita ng Western Command.
Binanggit din ni Col. Penetrante ang pangalan ng dalawang natitirang pinuno ng NPA at nasa 10 na lamang umano ang posibleng aktibo na kasapi nila na sa ngayon ay nagtatago.
“si Charity Diño at Sonny Rogelio , siguro po not more than 10 na lang po ang talagang regular armado na nagtatago at tumatakas po. Pinapanawagan po natin sa kanila na kung naririnig nila ito ay sumuko na po sila, sapagkat maganda naman po ang kanilang hinaharap nakita na po nila yan sa mga sumuko na supporter nila from San Vicente [at] Roxas talagang napakaganda ng pagkakataon na binibigay ng ating gobyerno sa PTF-ELCAC lalong lalo na po sa gobyerno ng Palawan.”
Samantala, nagpaalala rin ito na maging mapanuri ang mga mamamayan lalo na sa mga sinasalihang organisasyon na malimit aniya ay ginagamit sa paghihikayat sa kanilang samahan. Sa mga organisasyong ito umano naliligaw ang paniniwala ng mga nahihikayat at humahantong sa pakikipaglaban sa gobyerno sa marahas sa paraan.
“Kasi ang CPP-NPA ng front organization at kung titingnan po yan ng ordinaryong mamamayan natin na akala natin mga regular na organization lang [o] normal organization lang pero sa totoo po kailangan kilatisin po ng maigi ng ating mamamayan yung ganyan na organisasyon, sapagkat pinapakilos talaga sila ng CPP-NPA up to the point na ma-radicalize sila, mag armas sila at up to the point na sila po ay illegal na ang kanilang ginagawa at humahantong na po sa ayaw nating mangyari malalagas yung mga meyembro.”