Kasalukuyang ginaganap sa VJR Hall ng Provincial Capitol ang pagpupulong ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC) upang muling mapag-usapan ang implementasyon ng mga programa at proyekto kaugnay sa pagpapalakas ng mga kooperatiba sa lalawigan ng Palawan.
Ang pagpupulong ay pinangungunahan ni Dr. Romeo A. Valdez, PCDC Chairperson at dinadaluhan ng council members mula sa iba’t ibang ahensya bilang katuwang ng konseho.
Inaasahang magbibigay ulat ang mga ito hinggil sa mga naisakatuparang programa ng kanilang mga tanggapan upang lalo pang mapalago ang mga kooperatiba sa lalawigan at magkaroon ng mas maaayos na pagpapatupad ng mga proyekto na magpapaunlad sa mga ito.
Kasunod nito, magkakaroon din ng pag-uulat ang mga Municipal Cooperative Development Council (MCDC) para sa implementasyon sa kanilang mga lokalidad, samantalang abala rin ang lahat para sa nalalapit na Cooperative Month Celebration ngayong Oktubre.
Ang PCDC ay binubuo ng mga MCDO ng iba’t ibang munisipyo sa lalawigan kasama ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO), Provincial Information Office (PIO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Economic Enterprise and Development Office (PEEDO), National Food Authority (NFA), Palawan Electric Cooperative (PALECO), Palawan State University (PSU), DILG Palawan, Land Bank of the Philippines, Provincial Cooperative Union (PCU), Philippine Coconut Authority (PCA), Cooperative Bank of Palawan, Department of Agrarian Reform (DAR), Philippine Information Agency (PIA), at iba pang mga ahensiya kabilang ang tanggapan ni Board Member Nieves C. Rosento na siyang chairperson ng Committee on Cooperatives and Non-Government Organizations sa Sangguniang Panlalawigan.
Discussion about this post