Provincial News

Prov’l Gov’t, nananawagan ng agarang paglutas sa pagpatay kay Atty. Magcamit

By Gilbert Basio

November 21, 2020

Personal na naglabas ng panawagan si Palawan Governor Jose Chavez Alvarez upang hikayatin ang mga awtoridad na bilisan ang paghahanap ng hustisya sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit.

“Si Governor Alvarez ay naglabas ng personal na panawagan sa mabilis [na] paglutas ng krimen. Ang Provincial Government ay nakikiisa sa pamilya sa paghahanap nila ng hustisya lalong lalo na si Atty. Magcamit at nakapagtrabaho po yan sa Provincial Government,” ani Provincial Information Officer (PIO) Winston Arzaga.

“Governor Alvarez already instructed our law enforcement agencies or intelligence community na dagdagan pa ang pagpupunyagi para ma-restore yung confidence ng mga tao, pinaka-importante sa isang mapayapang pamayanan dapat po wala tayong fear sa ating mga buhay,” dagdag pa ni Arzaga.

Samantala, binanggit din ni Arzaga na may inilaang pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek upang madaling maresolba ang pagpatay.

“Base na rin kay Governor Alvarez na kung sino man ang makapagturo or any information that can lead to the immediate solution ng pagpatay [ay maaaring makatanggap ng pabuya],” karagdagang pahayag ni Arzaga.