Ipinagbabawal ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang pagkuha at pagkain ng mga shellfish sa ilang baybayin dito sa bansa kabilang na ang Puerto Princesa Bay dito sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 2 series of 2019 ng BFAR nakasaad na sa laboratory results noong January 31,2019, ang mga shell fish at alamang ay positibo ng paralytic poison kaya hindi maaaring kainin ng mga tao.
Ayon sa BFAR, ang mga isda, pusit, hipon at alimangao na magmumula sa Puerto Princesa Bay ay ligtas namang kainin subalit kailangang hugasan ng maigi, tanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.
Kabilang rin sa apektado ay ang mga babaybayin ng mga sumusunod: Matarinao Bay, Eastern samar Cancabato Bay, Tacloban City Lianga Bay, Surigao del Sur Coastal waters ng Dauis at Tagbiliaran City Coastal waters ng Pampanga Coastal waters ng mga lugar sa lalawigan ng Bataan, partikular na sa mga bayan ng mga sumusunod:
- Mariveles
- Limay
- Orion
- Pilar
- Balanga
- Orani
- Abucay
- Samal
Samantala, sa Shellfish Bulletin No. 2 nakasaad rin na hindi naman apektado ng red tide ang Honda Bay sa lungsod ng Puerto Princesa at ang coastal water ng Inner Malampaya Sound sa bayan ng Taytay, Palawan.