Provincial News

Recruitment ng NPA sa Coron, Palawan, ibinunyag ng PNP

By Angelene Low

January 13, 2021

Matapos makumpiska ng PNP ang matataas na kalibre ng baril sa Bayan ng Coron noong January 9, 2021, lumalabas umano sa imbestigasyon ng Coron Municipal Police Station (MPS) na patuloy pa rin ang ginagawang pag-recruit ng New People’s Army (NPA) ng mga bagong kasapi.

, pinangungunahan ng kanilang Hepe na si PCPT. Ervin Plando, kaugnay sa nakaraang operasyong sa pagkumpiska ng matataas na kalibre ng baril sa Bayan ng Coron, Palawan noong January 9 na patuloy parin umano ang pag-re-recruit ng New People’s Army (NPA) ng kanilang magiging mga miyembro.

Ayon kay PCPT. Ervin Plando, ang Hepe ng Coron PNP, ang pamamaraang ginagamit ngayon ng mga makakaliwang grupo sa paghikayat ng kanilang magiging kasapi ay sa pamamagitan ng pag-uukupa ng lupa.

“Walang harap-harapan na pag-re-recruit [ang nangyayari] but dinadaan nila sa mga ganyang gawain…for example, mag-re-recruit ng mga grupo na papasok sa mga nag-uukupa ng mga kalupaan. Diyan po nag-uumpisa…para maging miyembro ka na nila.”

Hindi lamang mga residente sa bayan ng Coron ang hinihikayat na mga ito na sumama sa kanilang grupo kundi maging ang mga mamamayan sa kalapit na munisipyo at mga probinsya.

“Nag-uumpisa yan sa basic yung magbubuo muna ng grupo hanggang maidoktrinahan hanggang magiging miyembro ka na…tuloy-tuloy pa rin yung recruitment nila [at] hindi lang mga taga Coron at Busuanga ang nire-recruit nila pati pa rin yung mga kabilang probinsya gaya ng Mindoro, especially Mindoro talaga kasi malapit, Quezon [at] Masbate.”

Dagdag pa nito na may binabayaran ang mga miyembro na mga hinihinalang NPA upang maangkin ang mga bakanteng lupa na mayroon naman totoong nagmamay-ari.

“And pinababayad po nila. Ayon sa mga pulis dito, meron yan silang binabayaran na parang membership fee na monthly na fee na legal para mabilis na maipamahagi yung mga kalupaan na nasasakupan nila na may mga legitimate naman na [owners].”

Samantala sa nakalap na impormasyon ng PNP, hindi mga taga-Coron ang bumubuo ng grupo at nangunguna sa pag-uukupa ng mga lupain.

“Sinasabi nila dito [na] dumating daw yang mga grupo na yan dito galing ng Mindoro [at] hindi naman legitimate na mga taga dito… Kasi, usually, pagmagkakaroon ng encounter maglilipatan kaagad yung mga rebels na hindi nahagip doon sa encounter kasi kailangan nilang magpapahinga.”