Provincial News

San Vicente, ni-require kumuha ng ‘passenger manifest copy’ ang sektor ng transportasyon

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 03, 2020

Bilang bahagi pa rin ng laban konta Coronavirus disease 2019 (COVID-19), ipinatutupad na sa ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Vicente ang pagkuha ng passenger manifest copy ng  lahat ng public at private transport/vehicles bago lumabas sa kanilang bayan.

Sa post noong Hunyo 29 ng “Information & Communication Section of San Vicente, Palawan,” nakasaad na kailangang kumuha ng nasabing dokumento ng mga concerned indibidwal sa Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO)/Terminal bago bumiyahe upang maiwasan nila ang delay sa checkpoint.

Para naman sa kaugnay na concern, maaari silang makontak sa numerong 0998-988-0501.