File Photo. Photo by Sev Borda III

Provincial News

Sangguniang Panlalawigan tinawag na “biased” ng kampo ni suspended Mayor Danao

By Gilbert Basio

October 15, 2020

Hindi umano naging patas o bias ang ginawang pagdinig at mga naging desisyon ng Sangguniang Panlalawigan sa isinampang kaso ni Narra Mayor Gerandy Danao sa mga dating opisyal at ilang kasalukuyang Sangguniang Bayan Member ng kanilang bayan.

Ayon kay Jojo Gastanes tagapagsalita ni suspended Narra Mayor Gerandy Danao, hindi sila nagtataka sa naging desisyon dahil sa simula pa lamang ay hindi na maka porma ang kampo ng alkalde sa Sangguniang Panlalawigan at hindi man lang hinayaan na mailatag ang mga kaukulang ebidensya.

“Hindi naman kami nagtataka doon talagang we are expecting that na talagang ‘yun ang gagawin nila idi-dismiss nila ‘yung kasong ‘yan kasi simula pa lamang supalpal na palagi lahat ng gagawin dyan ni Mayor Danao. Ang malungkot lamang dito syempre hindi man lang napagbigyan ang kampo ni Mayor Danao para ma i-probe ‘yung tinatawag na testimonial-documentary evidence na dapat, para masuportahan ‘yung kanyang factual allegations,”

Ayon din umano kay suspended Mayor Danao, hindi akma sa tungkulin ng Sangguniang Panlalawigan bilang disciplining body dahil hindi basta basta ang isinampang kaso ng alkalde sa mga dating opisyal ng bayan na kung saan hindi napagbigyan ang kanilang kampo.

“Ang sinabi ni Mayor Danao ‘yung oder na ‘yan, ‘yung desisyon na ginagawa nila ng Sangguniang Panlalawigan-una nyang sinasabi na hindi pagtanggap at madinig ‘yung kanyang testimonial at pag dismiss nila tila tinatawag niya contrary to the duties as disciplining body under the local government code, kasi ang sinampang kaso dyan Dereliction of Duty, Gross Negligence, Grave Misconduct, Prejudicial, you cannot decide by the mere paper or by evaluation lamang unless you hear, nadinig mo ang sasabihin ng tao na nag akusa,” paliwanag ni Gastanes.

Kung matatandaan unang naglabas ng desisyon ang Sangguniang Panlalawigan na hindi na pinahintulutan na magkaroon ng oral arguments at hihintayin na lamang ang 60 araw na resulta sa isinampang kaso ni Danao at noong martes sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan ay ibinasura na ang mga isinampang kaso.

Samantala nanindigan ang kanilang kampo na hindi na mag-aapela o mag Motion for reconsideration sa Sangguniang Panlalawigan dahil pareho rin aniya ang magiging desisyon dito kaya possibleng i- akyat sa korte depende sa mapag-uusapan ng legal council ng suspended Mayor.

“Aakyat na yan siguro, Malabo na ‘yan mag MR ka kung 13-0 ba naman e-bakit ka pa mag MR- mag uusap na ang abugado at si Mayor Danao hindi na aapela ‘yan alam naman natin na hindi na magbabago ang desisyon nila ,” karagdagang pahayag ni Gastanes