Mga stranded na mga OFW dumating na sa lungsod Puerto Princesa lulan ng barkong 2GO galing ng Kamaynilaan ngayong 3:30 umaga, May 26. (Mike Escote / Palawan PIO)

Provincial News

Stranded na mga OFW dumating na sa Puerto Princesa

By Palawan Daily News

May 26, 2020

Nakarating na ng Puerto Princesa Port ang mga na stranded na mga Overseas Filipino Workers galing ng Kamaynilaan lulan ng barkong 2GO, kaninang 3:30 ng umaga, May 26.

 

Sa special live report ni Mike Escote ng Palawan Provincial Information Office at correspondent ng Palawan Daily News, mayroong 54 na mga OFW ang sakay ang nasabing barko. Ayon sa ulat, 17 sa mga ito ay patungo sa mga iba’t-ibang bayan ng lalawigan at 37 naman sa kanila ay mga residente ng lungsod.

 

Sasailalim sa labing-apat araw na quarantine ang mga nasabing OFW na nanggaling pa sa iba’t-ibang parte ng mundo tulad ng United States of America, Germany, Amsterdam at marami pang iba.

 

Lubos ang papasalamat ng mga ito lalong-lalo na sa provincial government na pinamumunuan ni Governor Jose Chavez Alvarez, sa mga kanikanilang mga local government units at sa mga iba’t-ibang ahensya na tumulong sa kanila para makauwi sa Palawan.

Sasakay naman sa nasabing barko ang mga na-stranded sa lalawigan na papatungo sa Maynila ngayong umaga rin.

Mga stranded na mga turista sa Palawan, makaalis na sakay ng barkong 2GO patungong Maynila ngayong umaga, May 26. (Mike Escote / Palawan PIO)