Nakibahagi ang National Coast Watch Station Regional Coordinating Center West (NCWS-RCC), Coast Guard District Palawan (CGDPAL) at Philippine National Police – Maritime Group (PNP-MARIG) sa Table Top Exercise – Field Training Exercise (TTX-FTX) sa silangang katubigan ng siyudad ng Puerto Princesa, lalawigan ng Palawan, noong 13-14 ng Setyembre 2022.
Kasama din sa isinagawang pagsasanay ang Operational Control (OPCON) Units ng CGDPAL tulad ng CGSOU Palawan, CGEODU Palawan, CGSPP, CG K-9 Field Operating Unit Palawan, CG District Medical Palawan, CGIG – Palawan, CGWCEIS Palawan, BRP Teressa Magbanua (MRRV-9701), at BRP Kalanggaman (FPB-2404), kung saan ang naturang Communication Exercise at Visit Board Search and Seizure (VBSS) Exercise ay napapaloob rin sa aktibidad ng naturang TTX-FTX.
Layunin ng aktibidad na pag-igtingin ng Philippine Coast Guard ang kakayahang pang-seguridad at pagpapatupad ng batas sa karagatan laban sa smuggling, human trafficking, Illegal, unreported, Unregulated Fishing (IUUF) at iba pang kahalintulad na mga ilegal at hindi pinapahintulutang gawain sa alinman dako ng karagatan ng bansang Pilipinas.