Photo Credits to 2nd Palawan PMFC

Provincial News

“Tarabangan Kita,” isinagawa ng pnp sa bayan ng Roxas

By Jane Jauhali

October 27, 2022

Itinuturing na matagumpay at kailangan pang palawakin ang pagsasagawa ng PNP Kasimbayanan Barangay Assembly at Community Outreach Program o ang “Tarabangan Kita” sa bayan ng Roxas.

 

Ito ay matapos ang nagkakaisang aktibidad na isinulong ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Mhardie Azares, Force Commander 2nd Palawan PMFC katuwang ang MBLT3 sa pamumuno ni Major Ryan F. Lacuesta, Commanding Officer, LGU Roxas, Palawan sa pamumuno ni Hon. Mayor Dennis M. Sabando na kinatawan  ni Mr. Randolph Francisco Alcoseba, Kiwanis Club of Young Professionals, Dencio’s Kainan, Kalingang Barbero, Philippine Statistics Authority (PSA), Roxas Municipal Civil Registrar, KKDAT San Nicolas at Sandoval Chapters, Pastor Christino Ray Drilon, Community Adviser, Barangay Sandoval sa pamumuno ni Hon. Leopoldo U. Gabuco, Punong Barangay sa Barangay Sandoval, Roxas, Palawan kamakailan.

 

Hinati sa apat na bahagi ang aktibidad: Una ay ang pagsasagawa ng awareness campaign na kung saan tinalakay ang Kagandahan ng Buhay ni Pastor Drilon, Coronavirus Awareness, Response and Empowerment (C.A.R.E.), Drug Abuse Resistance Education (D.A.R.E.), at mahalagang kaalaman sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Knowing the Enemy, kasama na ang programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para turuan at palakasin ang kamalayan ng publiko laban sa hakbang-hakbang na paglinlang/pagrecruit ng Komunistang Teroristang Grupong CPP-NPA-NDF.

 

Ikalawa, ay ang oryentasyon tungkol sa programang “PNP KASIMBAYANAN”na tinalakay Naman ni PLTCol. Azares.

 

Nagkaroon din ng Open Forum sa pamamagitan ni Kapitan Gabuco upang alamin ang sitwasyon at mga suliranin sa barangay lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

 

Ang ikatlo, ay ang Indignation Rally na kung saan nagbigay ng mensahe ang mga dating rebelde na sina Kate at Rose tungkol sa kanilang mga karanasan habang nasa loob pa ng kilusan, kasabay ng mariing paghimok ng mga ito sa mga mamamayan na huwag suportahan ang teroristang grupo bagkus suportahan ang mga programa ng gobyerno para sa kapayapaan at kaunlaran. Itinampok din ang pagsusunog ng mga sagisag ng CPP-NPA-NDF bilang pagkondena sa kanilang mga karahasan at pagpapakita na hindi sila tanggap sa barangay.

 

Sa huli, namahagi ang grupo ng libreng ayuda at school supplies sa mga nakilahok. Kabilang sa iba pang serbisyong inihandog ay ang feeding program, libreng tuli at gamot, gupit, aplikasyon para sa National ID at Municipal Civil Registration. Pangunahing nakinabang sa nasabing serbisyo caravan ay ang mga meyembro ng katutubo kabilang ang mga bata. Ito ay isinagawa bilang bahagi rin ng paggunita sa “Buwan ng Katutubong Pilipino” at pagpapahalaga sa kanilang mga karapatan. Tinatayang nasa 300 ang kabuuang bilang ng nakilahok na lubos ang pasasalamat sa mga serbisyong kanilang natanggap.

 

Nagagalak naman ang pamunuan ng 2nd Palawan PMFC sa mga tumulong, sumuporta at nakibahagi sa nasabing programa na isang halimbawa ng tunay na diwa ng mag- “Tarabangan Kita”.