Police Report

Tatlo, huli sa paggamit ng compressor sa Bayan ng Agutaya

By Jane Jauhali

November 12, 2021

Huli ang tatlong mangingisda sa karagatan ng Guinlabog Islet, Barangay Abagat, Agutaya, ganap na 12:00 ng tanghali noong November 11, 2021.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ronald Asada Magtubo, 36 anyos, boat captain, at residente ng Sitio Tabunan, Barangay Suba, Cuyo at Loreto Javier,41 anyos, at residente sa Sitio Paya, Barangay Alcoba, Magsaysay.

Ayon sa report ng Agutaya Municipal Police Station, nagsasagawa sila ng seaborne patrol sa lugar nang maaktuhan ang tatlong indibidwal na gumagamit ng compressor at 20 meters na hose.

Paglabag sa Provincial Ordinance no. 1643 s. 2015 amending section 3 (3.1) o Banning the Use of Air Compressor ang kasong isasampa laban sa tatlong mangingisda.