Gumaling na ang tatlong indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa Bayan ng Busuanga.
Ito ang inanunsiyo ng LGU kagabi sa pamamagitan ng kanilang Facebook social media page.
Matatandaang sila ang nagpositibo sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test noong Hunyo 23, 2020 na nagnegatibo naman sa isinagawang rapid diagnostic test (RDT) IgM testing kaninang ala una ng hapon pagkatapos ng 14-day facility-based quarantine na walang sintomas.
“Alinsunod sa DOH Department Memorandum Number 2020-0258 ‘Updated Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID-19,’ sila ay classified na as recovered,” ayon pa sa nasabing post.
Nanatili umano sila sa municipal quarantine facility ng 28 na araw mula nang sila ay dumating sa lalawigan.
Inihatid na rin umano sila sa kani-kanilang mga tahanan at pinayuhan ng MHO na mag- home quarantine muna ng pitong araw.