Provincial News

Tinatayang P150M budget sa plebisito, hindi sakop ang budget para sa PNP

By Lexter Hangad

February 22, 2021

Hindi pa umano kasama sa inilabas na budget ng Provincial Capitol ang allowance para sa mga security personnels [PNP] na magbabantay sa darating na plebisito na naglakahalaga ng P150,000,000.00 ayon sa Provincial Police Office.

“Ay seprate po iyon, na turnover po ng budget [150M] sa Comelec lang po iyon then seperate pa po ‘yung for approval no’ng sa PNP. Actually nabanggit ko nga po kanina mayroon po kaming request sa Capitol [PGP] na certain amount or specific amount. Pero tingin ko naman po kahit naman po na hindi dumating ‘yung ipagkakaloob na budget ay magagampanan pa rin naman po ng mga kapulisan yung kanilang trabaho.” -PLTCOL. June Rian Spokesperson ng Provincial Police Office (PPO)

Ayon naman kay Provincial Information Officer (PIO) Winston G. Arzaga, ang budget [150M] na ibinigay ng Kapitolyo sa Comelec ay saklaw na umano ang allowance ng mga kapulisan taliwas sa naging pahayag kamakailan ng Provincial Police Office (PPO).

“Mayroon utilization schedule ‘yan doon sa Comelec, then pagbigay namin [PGP] ng pera [150M] sila na yan [Comelec] bahala magbigay ng budget.”

Dagdag pa ni PIO Arzaga, kung sakali hindi kasama sa budget ng Comelec ang PNP ay wala naman umano ito problema para sa Kapitolyo.

“Pero kung sabihin naman ng Comelec na sa amin ‘yan [PNP Budget] kami na mag-handle niyan bibigyan naman ‘yan [Allowance] wala naman problema.”