Nagpahayag ng kagalakan si Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates sa naging pagbisita sa lungsod ng Puerto Princesa ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng Uniter States Vice President Kamala Harris.
Ayon sa ama ng Palawan, Gov. Socrates…”Masaya tayo na dinalaw tayo ng Pangalawang Pangulo. I do not want to comment on issue about WPS, kasi that involves national security and international relations. I would like it give it to the national government, at baka makagulo lang tayo.”
Samantala kaugnay nito, nagpahayag si Vice Admiral Alberto B. Carlos, PN, Commander ng Western Command, na ngayong araw na ito, matapos ang pagbisita ang kanilang deadline para sa pagkalap ng datos at pagsumite ng report hinggil sa tunay nangyari sa Pag-asa Island na napabalitang umano’y may mga naganap na pagsabog nitong nakalipas na araw ng Linggo.
Sinabi ni Carlos, kailangang dumaan sa malalimang balidasyon ang kanilang imbestigasyon dahil lubhang napakadelikadong isyu ang napabalitang ito.
Ayon kay WesCom Commander Carlos…” Bukas kaagad kailangang kompleto na. (tanong kahapon sa isang panayam sa PPC Port).”
Samantala, positibo si Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn sa epekto ng pagbisita ni United States Vice President Kamala Harris sa Palawan partikular na sa Puerto Princesa City.
Ayon sa mambabatas, malaking bagay sa kasaysayan ng Palawan na binisita sila ng ikalawa sa pinakamataas na lider ng Amerika kaya asahan na makakahatak ito ng mas maraming mga turista.
Sinabi ni Hagedorn sa isang panayam….“Kaya malaking-malaking bagay dahil definitely it will trigger the visit of more dignitaries from the different parts of the world.”
Kaugnay naman ng isyu sa West Philippine Sea, hindi naman naniniwala si Hagedorn na magdudulot ng giyera sa pagitan ng US at China ang pagbisita ni Harris dahil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS), dahil ayaw ng lahat ng bansa ng gulo katulad ng China lalo na kung ang mga lugar na madadamay ay lumalago ang ekonomiya, kaya’t buo ang kanyang paniniwala na idadaan sa mapayapang usapan ang pagresolba sa isyu ng territorial conflict sa WPS.