Arestado ang wanted person ng Narra Municipal Police Station kasama ang RIU4B, PNP IG, Highway Patrol Group Palawan, PIU at 2nd Platoon 1st PMFC sa Barangay Princess Urduja, Narra, Palawan, nitong Oktobre 22.
Kinilala ang suspek na si Emmanuel Sulla Buñag, 40 anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na permado ni Judge Angelo Ramirez Arizala ng RTC Branch 52 ng 4th Judicial Region, Puerto Princesa City nitong August 2, 2021, sa kasong attempted murder.
Nirekomendang pyansa sa kaso ang P120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Nasa kostudiya na ng Pulisya ang nasabing suspek para kaukulang disposesyon.