Provincial News

Wanted dahil sa pagnanakaw ng baka, arestado sa Brooke’s Point

By Diana Ross Medrina Cetenta

November 09, 2020

Nadakip na ng mga awtoridad sa Bayan ng Brooke’s Point ang isang wanted na indibidwal noon pang 2019 dahil sa paglabag sa Presidential Decree 533 o ang “Anti-Cattle Rustling Law.”

Kinilala ang suspek na si Aivan Maldan, 23, binata, magsasaka, at residente ng Sitio Lada, Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan.

Sa spot report ng Palawan Provincial Police Office, nakasaad na dakong 10AM ng Nobyembre 5, 2020 nang inaresto ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) ang suspek sa pagnanakaw ng baka sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 165-Brooke’s Point na may petsang Agosto 19, 2019.

Umabot naman sa ₱108,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamatalang kalayaan ng suspek.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Brooke’s Point MPS ang nasabing indibidwal para sa tamang disposisyon.