Provincial News

Wanted na lalaki, arestado ng Bataraza Police

By Jane Jauhali

October 26, 2021

Inaresto ng Bataraza Municipal Police Station ang 39 anyos na lalaki na nasa wanted list nila sa kasong paglabag sa Republic Act 10586.

Nasa pangangalaga na ng kapulisan si Allan Jamolde Del Rosario Jr., may asawa, at residente ng Sitio Kayasyasan, Barangay Rio Tuba sa Bayan ng Bataraza na inaresto noong Linggo, OktubreĀ  24.

Naglabas ng warrant of arrest si Regional Trial Court Branch 165 Judge Ramon Chito noong Setyembre 9,2021 dahil sa kasong paglabag ni Del Rosario sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Kinakailangan makapagpyansa nang Php120,000.00 ang nasasakdal para sa kanyang pansamantalang kalayaan.