Provincial News

Wanted person dahil sa kasong rape sa Linapacan, arestado

By Diana Ross Medrina Cetenta

November 10, 2020

Nadakip na ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa kasong panggagahasa. Ang suspek ay isang 20 taong gulang na binata, mangingisda, at residente ng Brgy. Nangalao, Linapacan, Palawan.

Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 3 pm kahapon, Nob. 9, 2020, nang arestuhin ang nasabing indibidwal ng mga tauhan ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng ibinabang Warrant of Arrest ni Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163-Coron, Palawan na may petsang Sept. 22, 2020.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Linapacan MPS ang suspek at nakatakdang ipresenteda sa issuing court para sa proper disposition.